Biyernes, Nobyembre 9, 2012

MGA KAGAT NG PUKYUTAN AT PUTAKTI

     Ang kagat ng mga pukyutan at putakti ay masakit; tumatagal ito ng mga ilang araw

PAGGAMOT

Gawin ang alinman sa mga sumusunod:
*dagling kuskusin ng suka o katas ng kalamansi ang bahaging kinagat hanggang humupa ang sakit.
*kuskusin ng basang sabon ang kinagat na bahagi at bayaan itong matuyo.
*kuskusin ng "baking soda" ang bahaging kinagat sa loob ng 5 minuto. ulitin ng 2 oras kung makati pa at masakit

ALIPUNGA

     Ang alipunga ay pamumutok ng balat na may pamumuo ng maliliit at makating tila butlig, at pangangaliskis ng kamay at paa, tangi na sa pagitan ng mga daliri ng paa;

PAGGAMOT NG HALAMAN

1. AKAPULKO
-magdikdik ng murang dahon at katasin
*lagyan ng katas ang pagitan ng mga daliri at iba pang bahaging may kapansanan pagkatapus banyusan ang mga ito ng tubig na may MAKABUHAY

2. KAMANTIGUE/KAMANTIQUE
-magtadtad ng mga bulaklak
*itapal sa bahaging may kapansanan pagkatapus mabanyusan ang paa

3. BALANOY
-magtadtad ng dahon at katasin
*lagyan ng katas ang may kapansanang bahagi pagkatapos ng banyos

4. KANYA PISTULA
-magdikdik ng murang dahon at katasin
*lapatan ang bahaging may kapansanan pagkatapus mabanyusan ng piunakulong makabuhay

5. LABANOS
-magtadtad ng labanos at katasin
*lapatan ang bahaging may kapansanan, 2 ulit maghapon

6. BAWANG
-balatan ang isang puso ng bawang at tadtadin
*kuskusin ang nangangating bahagi, 2 ulit sa loob ng isang araw

HIKA

   ang hika ay karamdaman ng tubong daanan ng hininga. ang mga palatandaan nito ay paninikip ng dibdib, pangangapos ng hininga, at pag-ubo.

PAGGAMOT NG HALAMAN
1.TALAMPUNAY
-magbilot ng 2 tuyong dahon
*sindihan ang kabilang dulo at hititin na parang sigarilyo tuwing ika-6 na oras.

2. KALATSUTSI
-magbilot ng 2 tuyong dahon
*gamiting tulad ng sigarilyo, isa sa umaga at isa sa hapon

3. SAMPALOK
-kumuha ng balat ng puno ng sampalok na isang talampakan ang haba.tadtarin  at pakuluan ng 10 minuto sa 3 basong tubig.
*DOSIS
Matanda: 1 tasa pagkatapos kumain at bago matulog
Bata: 1/2 tasa, 4 na ulit maghapon (pagkatapos kumain at bago matulog)

4. KULITIS
-pakuluan ng 10 minuto ang dinadtad na 5 murang tangkay na may kasamang bulaklak at dahon sa 5 basong tubig.
*DOSIS
Matanda: 1 tasa, 4 na ulit isang araw
Bata: 1/2 tasa, 4 na ulit maghapon
Sanggol: 2 kutsarita, 4 na ulit isang araw

PAHIWAGA:
-ang paggamot na ito ay lalong mabuti sa labis na paglabas ng plema

TALAMAK AT PANGMATAGALANG CYSTITIS

Ang cystitis ay pamamaga ng pantog, kaalinsabay ng masakit at paunti-unting pag-ihi.

PAGGAMOT NG HALAMAN
1. SAMBONG
-pakuluan ng 15 minuto ang isang tasang tinadtad na sariwang mga dahon sa 2 basong tubig.
*DOSIS:
Matanda: 1/2 tasa, 3 ulit isang araw.
Bata: (2-6 na taon) 2 kutsara, 3 ulit maghapon. (7-12 na taon) 1/4 tasa, 3 ulit maghapon.

2. PANDAN
-pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng tinadtad na mga sariwang dahon sa 2 basong tubig.
*DOSIS:
Matanda: 1 tasa, 3 ulit maghapon
Bata: (2-6 na taon) 1/4 tasa, 3 ulit maghapon (7-12 taon) 1/2 tasa, 3 ulit maghapon.

3. PAPAYA
-pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng tinadtad na mga sariwang dahon at isang tasa ng tinadtad na hilaw na bunga sa 4 na basong tubig.
*DOSIS:
Matanda: 1 tasa, 3 ulit maghapon
Bata: (2-6 na taon) 1/4 tasa, 3 ulit maghapon
         (7-12 na taon 1/2 tasa, 3 ulit maghapon

4. BUHOK NG MAIS
-pakuluan ng 15 minuto ang 2 tasa ng tinadtad na sariwa at murang buhok ng mais sa 4 na basong tubig
*DOSIS:
Matanda: 1 baso, 3 beses maghapon
Bata: (2-6 na taon) 1/2 tasa, 3 ulot maghapon
         (7-12 na taon) 1 tasa, 3 ulit maghapon

Huwebes, Nobyembre 1, 2012

MGA NAKNAK AT PIGSA

-ang naknak (abscess) ay pinakagitna ng nagtitipung nana sa loob ng tisyu. Ang pigsa ay isang purungkol (furuncle). Ang pigsa at naknak ay may kaalinsabay na pananakit, init at pamamaga. Paggamot ng Halaman 1. Alugbati
-magdikdik ng 2 dahon.
*itapal, 2 ulit maghapon.

2. Amarillo
-magdikdik ng 3 dahon at 2 bulaklak.
*itapal, 2 ulit maghapon.

3.Gumamela
-magtadtad ng 5 dahon at 2 bulaklak.
-itapal, 2 ulit maghapon.

4.Langka
-kumuha ng kaunting dagta mula sa puno at haluan ng kaunting suka.
*painitin at gamiting pampomento. Gumamit ng mga maliliit na pirasong malinis na damit o kaya ay gasa sa pagpopomento ng 20 minuto, 2 ulit maghapon.

5. Sambong
-magdikit ng 5 dahon.
*itapal, 2 ulit maghapon

photo of herbal plants