Huwebes, Enero 24, 2013

UBO

     Ito ay bunga ng pagbabara ng daanan ng hangin at brongkitis.

PAGGAMOT NG HALAMAN
1. LAGUNDI
    * pakuluan ng 15 minuto ang 4 na kutsarang tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig.
    DOSIS
    -Matanda: 1/2 baso, 3 ulit maghapon
     Bata: (sanggol) 1 kutsarita, 3 ulit maghapon
              (2-6 na taon) 2 kutsara, 3 ulit maghapon
              (7-12 na taon) 1/4 tasa, 3 ulit maghapon.

2. OREGANO
    * Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasang tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig.
    DOSIS
    -Matanda: 1/2 tasa, 3 ulit maghapon
     Bata: (sanggol) 1 kutsrita, 3 ulit maghapon
             (2-6 na taon) 2 kutsara, 3 ulit maghapon
             (7-12 n taon) 1/4 na tasa, 3 ulit maghapon

3. MANSANILYA
    * Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasang tinadtad na tuyong dahon at bulaklak o kaya ay 1 1/2 tasa ng sariwang dahon at bulaklak sa 2 basong tubig
    DOSIS
    -Matanda: 1/2 baso bawat 4 na oras
     Bata: (sanggol) 1 kutsarita bawat 4 na oras
             (2-6 na taon) 2 kutsara bawat 4 na oras
             (7-12 na taon) 1/4 tasa bawat 4 na oras

4. KANTUTAY
    * Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasang tinadtad na sariwang dahon at bulaklak sa 2 basong tubig
    DOSIS
    -Matanda: 1/2 tasa, 3 ulit maghapon
     Bata: (sanggol) 1 kutsarita, 3 ulit maghapon
              (2-6 na taon) 2 kutsara, 3 ulit maghapon
              (7-12 na taon) 1/4 na tasa, 3 ulit maghapon

5. ALAGAW
    * Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasang tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig. Salain at pigaan          ng 2 kalamansi. Haluan ng 1 kutsarang asukal.
    DOSIS
    -Matanda: 1/2 tasa bawat 4 na oras
     Bata: (sanggol) 1 kutsarita bawat 4 na oras
             (2-6 na taon) 2 kutsara bawat 4 na oras
             (7-12 na taon) 1/4 na tasa bawat 4 na oras

Martes, Enero 15, 2013

TIBI


     Ang tibi ay isang kalagayan ng pagpapalabas ng dumi nang may kahirapan at mahabang panahon ng pagitan.

PAGGAMOT NG HALAMAN
1. KANGKONG
    * Ubusin ang dalawang tasa ng nilagang dahon sa panahon ng pagkain.

2. MALUNGGAY
    * Kumain ng isang tasa ng nilagang dahon sa panahon ng pagkain.

3. HINOG NA PAPAYA
    * Kumain ng isang malaking hiwa nito tuwing agahan.

4. KAMPANILYA (yellow bell)
    * Pakuluan ng 10 minuto ang 5 dahon sa 2 basong tubig.
    - Dosis:
      Matanda: 1 baso, 2 ulit maghapon.
      Bata: (2-6 na taon) 1 kutsara, 2 ulit maghapon.
              (7-12 na taon) 1 tasa, 2 ulit maghapon.

BULUTONG TUBIG


     Ang bulutong tubig ay isang malubha at nakakahawang karamdaman. Pangunahing dinadapuan nito ay mga bata. Ang dahilan nito ay ang varicella virus. Napagkikilala ito sa pamamagitan ng tila pamumutok ng mga namumuting butlig na sumisibol nang  sunod-sunod at pulo-pulo sa ibat ibang bahagi ng katawan.

PAGGAMOT NG HALAMAN
1. BALIMBING (sa pangangati)
    * Magtadtad ng mga murang dahon at katasin.
    - Lagyan ng katas ang balat at ang mga sugat upang humupa ang pangangati. Huwag kuskusin ang balat.

2. LAGUNDI (sa lagnat)
    * Pakuluan ng 15 minuto ang 4 na kutsara ng tinadtad na tuyong dahon o 6 na kutsarang tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig.
    - Dosis:
      Matanda: 1 tasa tuwing 4 na oras.
      Bata: (sanggol) 1 kutsara bawat 4 na oras
              (2-6 na taon) 1/4 na tasa bawat 4 na oras
              (7-12 na taon) 1/2 na tasa bawat 4 na oras

MGA PASO


     Ang paso ay kapinsalaan sa balat at laman bunga ng init, radyasyon, pagkikiskisan at elektrisidad.

PAGGAMOT NG HALAMAN SA MALIIT NA PASO
1. SABILA
    * Sabunin at hugasan ang sabila. Dikdikin ito at katasin.
    - Lagyan ng katas ng sabila ang bahaging may pinsala pagkatapos maibabad sa mainit-init na tubig na may asin, minsang isang araw.

2. ATSUETE
    * Sabunin at hugasan ang dahon. Pakuluan ang 10 dahon sa 5 basong tubig. Palamigin.
    - Ibabad dito ng 10 minuto ang bahaging may pinsala, minsan isang araw.

NAGDURUGONG SUGAT


     Ang sugat ay hiwa o bitak ng balat o laman bunga ng kapinsalaan.

PANGUNANG LUNAS
     Kumuha ng isang piraso ng malinis na damit at diinan ang sugat sa loob ng 10 minuto. Kung patuloy ang pagdurugo, dgdagan ang saping damit at diinan pa ng kaunti. Bendahan. Pahigain ang pasyente at dalhin ito sa pinaka malapit na hospital o klinika kung ang sugat ay malaki at kailangang tahiin. Pansinin kung may pangingimay o pag-iiba ng kulay ang mga daliri ng paa at mga kamay. Kung mayroon, ang benda ay mahigpit. Luwagan, subalit huwag alisin.

PAGGAMOT NG HALAMAN
1. SAGING
    * Magdikdik ng murang dahon ng saging hanggang maging malambot at makatas.
    - Patakan ng katas ang sugat. Ilapat ng may pagdiin ang dinikdik na dahon sa sugat. Bendahan. Kung ang pagdurugo ay hindi tumigil pagkaraan ng 15 minuto, dalhin ang pasyente sa hospital o klinika para sa nararapat na lunas.

2. MAYANA
    * Hugasan ang murang dahon at katasin.
    - Lagyan ng ilang patak ang sugat. Itapal ang kinatas na dahon. Bendahan. Huwag mahigpit upang hindi maantala ang sirkulasyon ng dugo.