Sabado, Pebrero 16, 2013

DAYARYA

     Ito ay karaniwang palatandaan ng karamdamang gastrointestinal na napagkikilala sa pamamagitan ng madalas at malabnaw na pagdumi.

PAGGAMOT NG HALAMAN

1. TANGLAD
      * Pakuluan ng 10 minuto ang 10 murang dahon sa 2 basong tubig. lagyan ng isang kutsarang asukal
         at isang maliit na piraso ng dinikdik na luya.
      DOSIS
        Matanda: 1 tasa, 3 ulit maghapon tuwing dudumi ng lusaw o malabnaw
        Bata: (sanggol) 1 kutsara, 3 ulit maghapon at tuwing dudumi ng malabnaw.
                 (2-6 na taon) 1/4 na tasa, 3 ulit maghapon at tuwing dudumi ng malabnaw.
                 (7-12 na taon) 1/2 tasa, 3 ulit maghapon at tuwing dudumi ng malabnaw.

2. KUGON
      * Pakuluan ng 15 minuto ang 5 tinadtad na sariwang ugat sa 2 basong tubig.
      DOSIS
         Matanda: 1 tasa, 3 ulit maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
         Bata: (sanggol) 1 kutsara, 3 ulit maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
                  (2-6 na taon) 1/4 na tasa, 3 ulit maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
                  (7-12 na taon) 1/2 na tasa, 3 ulit maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.

3.KAYMITO
      * Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng tinadtad na dahon sa 2 basong tubig.
      DOSIS
         Matanda: 1 tasa, 3 ulit maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
         Bata: (sanggol) 1 kutsara, 3 ulit maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
                  (2-6 na taon) 1/4 na tasa, 3 ulit maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
                  (7-12 na taon) 1/2 na tasa, 3 ulit maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.

4. BAYABAS
      * Pakuluan ng 15 minuto ang 10 tinadtad na dahon sa 2 basong tubig.
      DOSIS
         Matanda: 1 tasa, 3 ulit maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
         Bata: (sanggol) 1 kutsara, 3 ulit maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
                  (2-6 na taon) 1/4 na tasa, 3 ulit maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
                  (7-12 na taon) 1/2 na tasa, 3 ulit maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.

5. MAKAHIYA
      * Pakuluan ng 10 minuto ang isang tasa ng tinadtad na dahon sa 2 basong tubig
      DOSIS
         Matanda: 1 tasa, 3 ulit maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
         Bata: (sanggol) 1 kutsara, 3 ulit maghapon
                  (2-6 na taon) 1/4 na tasa, 3 ulit maghapon
                  (7-12 na taon) 1/2 na tasa, 3 ulit maghapon

BALAKUBAK

     Ang balakubak ay maliliit at malangis-langis na kaliskis na nababakbak sa anit.

PAGGAMOT NG HALAMAN

1. KILAW (luyang dilaw)
      * Dikdikin ang lamang ugat
      - Ikuskus ang katas sa anit at sa buhok. Panatilihin ito sa buong magdamag at mag siyampo kinabukasan.

2. GUGO
      * Ibabad ang gugo sa isang palanggana ng malamig na tubig sa loob ng 30 minuto bago mag siyampo.          
         Pigain ang gugo sa tubig at dagdagan ng katas ng 3 kalamansi.
      - Basaing mabuti nito ang buhok at gamitin din itong siyampo. banlawang mabuti

3. SABILA
      * Magkatas ng mga sariwang dahon.
      - Lagyan ng saganang katas ang anit at imasaheng mabuti ng isang oras at siyampuhin ng gugo
         pagkatapos. gawin ito minsan isang linggo ng 4 na linggo.