Sabado, Pebrero 16, 2013

BALAKUBAK

     Ang balakubak ay maliliit at malangis-langis na kaliskis na nababakbak sa anit.

PAGGAMOT NG HALAMAN

1. KILAW (luyang dilaw)
      * Dikdikin ang lamang ugat
      - Ikuskus ang katas sa anit at sa buhok. Panatilihin ito sa buong magdamag at mag siyampo kinabukasan.

2. GUGO
      * Ibabad ang gugo sa isang palanggana ng malamig na tubig sa loob ng 30 minuto bago mag siyampo.          
         Pigain ang gugo sa tubig at dagdagan ng katas ng 3 kalamansi.
      - Basaing mabuti nito ang buhok at gamitin din itong siyampo. banlawang mabuti

3. SABILA
      * Magkatas ng mga sariwang dahon.
      - Lagyan ng saganang katas ang anit at imasaheng mabuti ng isang oras at siyampuhin ng gugo
         pagkatapos. gawin ito minsan isang linggo ng 4 na linggo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento