Martes, Abril 30, 2013

SAKIT NG ULO DAHIL SA SINUSITIS


     Ang sinusitis ay pamamaga ng alin man sa mga gumwang (cavity) na malapit sa bahagi ng ilong, tulad ng noo (frontal), ibabaw ng panga (maxillary) at ang pinaka ugat ng buto ng ilong na karugtong ng bungo (ethmoidal).

PAGGAMOT NG HALAMAN

1. MANSANILYA
* Lamukusin ang 5 sariwang dahon at lagyan ito ng 2 patak ng langis ng niyog. painitin ng tuwiran sa apoy ang mga dahon. Huwag pabayaang masunog.
- Samantalang mainit pa. ilapat sa noo para sa frontal sinusitis at sa mag kabilang pisngi para sa maxillary sinusitis. Gawin ito sa gabi bago matulog, sa loob ng 30 minuto.

2. MAYANA
* Magpainit sa apoy ng 10 dahon. Magpainit ng 4 na dahon lamang sa bawat pagkakataon.
- Itapat sa noo habang mainit pa, para sa frontal sinusitis at sa mag kabilang pisngi ng malapit sa ilong para sa maxillary sinusitis. Palitan ng bagong init ang malamig ng dahon hanggang maubos ang 10 dahon. Gawin ito ng 2 ulit maghapon.

3. DAHON NG SAMBONG
* Lamukusin ang 5 dahon at idarang na isa-isa sa apoy.
- Itapal samantalang mainit pa sa noo para sa frontal sinusitis at sa pisngi para sa maxillary sinusitis. Palitan ang lumamig na dahon ng bagong ininit na dahon hanggang sa magamit na lahat ang lima. Ulit gawin sa isang araw.

Lunes, Abril 29, 2013

KABAG


     Ang kabag ay bunga ng nararamdamang labis na tila hangin sa tiyan o kaya ay sa lugasang bituka

PAGGAMOT NG HALAMAN

1. MANSANILYA
* Maglamukos o magtadtad ng mga dahon at lagyan ng langis ng niyog.
- Ikuskos sa tiyan bigkisin ang tiyan sa loob ng 4 na oras o kaya buong magdamag

2. LUYANG DILAW
* Magtadtad ng isang piraso na may 2 pulgada ang laki at pakuluan ng 10 minuto sa 2 basong tubig
- Dosis
 Matanda: 1 tasa bawat 4 na oras
 Bata: (sanggol) 1 kutsara bawat 4 na oras
          (2-6 na taon) 1/4 na tasa bawat 4 na oras
                       (7-12 na taon) 1/2 tasa bawat 4 na oras

3. HERBA BUENA
* Pakuluan ng 5 minuto ang isang kutsara ng tuyong dahon o tinadtad na 5 sariwang dahon sa isang basong tubig
- Dosis
 Matanda: 1 baso bawat 4 na oras
 Bata: (sanggol) 1 kutsara bawat 4 na oras
          (2-6 na taon) 1/2 tasa bawat 4 na oras
                       (7-12 na taon) 1 tasa bawat 4 na oras