Ang sinusitis ay pamamaga ng alin man sa mga gumwang (cavity) na malapit sa bahagi ng ilong, tulad ng noo (frontal), ibabaw ng panga (maxillary) at ang pinaka ugat ng buto ng ilong na karugtong ng bungo (ethmoidal).
PAGGAMOT NG HALAMAN
1. MANSANILYA
* Lamukusin ang 5 sariwang dahon at lagyan ito ng 2 patak ng langis ng niyog. painitin ng tuwiran sa apoy ang mga dahon. Huwag pabayaang masunog.
- Samantalang mainit pa. ilapat sa noo para sa frontal sinusitis at sa mag kabilang pisngi para sa maxillary sinusitis. Gawin ito sa gabi bago matulog, sa loob ng 30 minuto.
2. MAYANA
* Magpainit sa apoy ng 10 dahon. Magpainit ng 4 na dahon lamang sa bawat pagkakataon.
- Itapat sa noo habang mainit pa, para sa frontal sinusitis at sa mag kabilang pisngi ng malapit sa ilong para sa maxillary sinusitis. Palitan ng bagong init ang malamig ng dahon hanggang maubos ang 10 dahon. Gawin ito ng 2 ulit maghapon.
3. DAHON NG SAMBONG
* Lamukusin ang 5 dahon at idarang na isa-isa sa apoy.
- Itapal samantalang mainit pa sa noo para sa frontal sinusitis at sa pisngi para sa maxillary sinusitis. Palitan ang lumamig na dahon ng bagong ininit na dahon hanggang sa magamit na lahat ang lima. Ulit gawin sa isang araw.
subukan niyo rin cortal very effective sa pain relief.
TumugonBurahin