Ang lagnat ay bunga ng pagtaas ng temperatura ng katawan.
PAGGAMOT NG HALAMAN
(sa lagnat na bunga ng impeksyon ng virus)
1. SUKA
* Lagyan ng 2 kutsarang suka ang isang palanggana ng
malamig na tubig.
- Gamitin itong pang-pomento sa noo kung walang yelo.
2. BALIMBING
* Pakuluan ng 10 minuto ang 2 tasa ng tinadtad na dahon sa 1/2
galong tubig. Salain. Palamigin sa loob ng 2 oras.
- Gamitin ito para sa malamig na pomento kung walang yelo.
3. KAMYAS
* Pakuluan ng 15 minuto ang 3 tasa ng tinadtad na sariwang
dahon sa isang galong tubig. salain.
- Gamitin ang tubig para sa malamig o mainit na punas na
paligo.
PAGGAMOT NG INIINOM
Gamitin ang isa sa sumusunod na panggamot upang matulungan
ang pagpapababa ng lagnat.
1. TAGULINAW
* Pakuluan ng 10 minuto ang isang tasa ng tinadtad na
sariwang dahon at buong puno sa 2 basong tubig.
DOSIS:
Matanda: 1 tasa bawat 4 na oras.
Bata: (sanggol) 1 kutsara bawat 4 na oras
(2-6 na taon) 1/4 tasa bawat 4 na oras
(7-12 na taon) 1/2 tasa bawat 4 na oras
2. OKRA
* Magsangag ng mga tuyong buto at dikdikin ng pino. kumuha
ng 1/2 tasa at pakuluan ng 15 minuto sa 2 basong tubig.
palamigin at salain
DOSIS:
Matanda: 1 tasa, 3 ulit maghapon pagkatapos kumain.
Bata: (sanggol) 1 kutsara, 3 ulit maghapon pagkatapos kumain.
(2-6 na taon) 1/4 na tasa, 3 ulit maghapon pagkatapos kumain.
(7-12 na taon) 1/2 na tasa, 3 ulit maghapon pagkatapos kumain.
3. LAGUNDI
* Pakuluan ng 15 minuto ang 4 na kutsarang tinadtad na tuyong
dahon o 6 na kutsarang tinadtad na sariwang dahon sa
2 basong tubig.
DOSIS:
Matanda: 1 tasa, bawat apat na oras
Bata: (sanggol) 1 kutsara, bawat apat na oras
(2-6 na taon) 1/4 na tasa, bawat apat na oras
(7-12 na taon) 1/2 na tasa, bawat apat na oras.