Miyerkules, Marso 13, 2013

PAGKAWALA NG MALAY


     Ito ay pagkadama ng magaan-na-pakiramdam ng ulo at pagkahilo.

PANG-UNANG LUNAS

1. Paupuin ang may karamdaman sa isang silya at ibaba ang ulo sa
    pagitan ng mga tuhod.
2. O kaya ay pahigain na ang ulo ay mababa kaysa kinalalagyan ng
    mga paa. Ito ay upang padaluyin ang dugo sa ulo.
3. Suriin ang pulso at paghinga kung malakas. Kung ang pag hinga
    ay mabilis at malakas ang pulso, kumuha ng supot na papel o plastik na
    may sapat na laki upang dito pahingahin ang pasyente. Kung hindi siya
    muling magkamalay sa loob ng 15 hanggang 20 minuto, dalhin agad
    ito sa pinaka malapit na pagamutan.
4. Kung ang pasyente ay hindi humihinga o kaya ay hindi madama
    ang pulso, pagkalooban ito ng cardiopulmonary resuccitation (CPR)
    Tumawag ng manggagamot o kaya ay dalhin ang pasyente sa
    pinaka malapit sa hospital. Kung may makagawa ng CPR,
    pagkalooban siya nito habang patungo sa pagamutan. Itigil ito kung
    huminga na ang pasyente o kaya ay nadadama na ang pulso nito.
5. Tiyakin kung ang pasyente ay may dayabetis. Tanungin ang
    pamilya.

PAGGAMOT NG HALAMAN
1. ATIS
      * Kung ang pasyente ay humihinga at ang pulso ay malakas.
        lumamukos ng dahon ng atis.
      - Ipa-amoy ito sa pasyente. Ilagay ito sa tapat ng ilong
        hanggang magkamalay ang pasyente.

2. BAYABAS
      * Manglamukos ng mga dahon ng bayabas.
      - Ipaamoy ito sa pasyente habang pinahihinga ito ng malalim.
        ilagay ang linamukos na mga dahon sa tapat ng ilong.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento