Ito ay isang talamak o kaya ay pangmatagalan, di-nakakahawa,
makati at namamaga-magang karamdaman ng balat. Napagkikilala ito
sa pamamagitan ng di-regular at pabagu-bagong kalagayan ng
nanunuklap-nuklap at namamaga-magang sugat sa balat.
PAGGAMOT NG HALAMAN
1. PANDAKAKING PUTI
* Pakuluan ng 10 minuto ang 3 tasang tinadtad na dahon sa
isang galong tubig. Dagdagan ng 2 galong mainit na tubig.
- Ibabad dito ang mga paang may kapansanan.
2. KULITIS
* Pakuluan ng 15 minuto ang 3 tasang tinadtad na mga
sariwang dahon sa 5 basong tubig. Basain dito ang isang
maliit na bimpo
- Gamitin itong pang-pomento sa eksema sa loob ng 30 minuto.
3. TAKIP-KUHOL
* Magtadtad ng 10 dahon
- Itapal sa bahaging may eksema pagkaraan ng pomento o
pagbabad sa mainit na tubig
4. KAKAW
* Magsangag ng 10 buto at dikdikin
- Itapal sa bahaging may kapansanan pagkatapos ng pomento
o pagbabad sa mainit na tubig
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento